pinoy?
September 23, 2007
this is a group for pinoys right????? so why do most people here.. post using english?? magtatagalog ako sa ayaw at sa gusto niyo.. pinoy tayo ano ba!! meron tayong sariling wika bakit kelangan pa nating gamitin ang wikang ingles??? ano pangsilbi ng pambansang wika kung gagamitin lang lagi ang wika ng mga taga ibang bansa?? inaamin ko ginagamit ko rin ang wikang ingles.. pero sa tingin ko dapat kung mga pinoy talaga dapat ay mas madalas na gamitin ang tagalog dahil ito ang wika natin.. hindi ko talaga maintindihan nasa isip ng mga pinoy na kagaya ko.. siguro ikinakahiya ng iba na pinoy/pinay sila dahil naghihirap ang Pilipinas.. panong hindi maghihirap, e wala naman ginagawa ang bawat isa.. sabi nga “nasa diyos ang awa nasa tao ang gawa”.. naiinis lang ako kaya sinulat ko ito.. bahala na kung may magalit sinasabi ko lang ang nasa loob ko.. kung magkakaisa lang sana at magtutulungan tayong lahat may pag-asa pa tayo umunlad hindi ba???
Comments
9 Responses to “pinoy?”
Got something to say?










Hindi kailangang ipagmalaki ang sarili kung Pinoy o Pinay tayo sa pamamagitan ng wika. Kung mas malawak ang maaabot ng ating mga blog, kung mas maraming makakabasa, kailangan ang blog mo rin ay makapagpakita ng pagiging Pilipino (katulad ng Proudly Pinoy logo na lagi kong nakakalimutang ilagay rin sa blog ko). Kailangan rin maganda ang nilalaman ng blog mo. Sa gayong paraan maipagkakalat mo pa rin naman na Pilipino ka di ba?
Gusto ko ring itaguyod ang pagiging Pilipino sa pamamagitan ng wika, pero wala nang magbabasa ng blog ko kundi mga kapwa Pilipino din. Halos wala na ngang nagbabasa, babawasan ko pa ang mga nagbabasa. Pero ang mahalaga ay alam nila na Pilipino ako.
Mas mahaba pa talaga ang sagot ko.
isang dahilan, hindi lahat na tao magaling magtagalog. galing ako probinsya kaya mas magaling ako magilonggo kay sa magtagalog. kung nagsulat ako gamit ng ilonggo, maiiintindihan ba ng iba? malamang hindi. at hindi lang pinoy na ipinanganak sa pilipinas ang readers ng ibang blogs. may mga readers galing ibang bansa, pinoy sa dugo pero hindi marunong magtagalog. hindi lahat na pilipino marunong magtagalog at magbasa ng tagalog. filipino language is not equal to tagalog, right? kaya ang solusyon mo para umunlad tayo ay hindi tama. hindi lang wika ang paraan para umunlad. kung hindi tayo nagkakaintindihan, mas malabo na umunlad tayo.
ti, mayo ni? gaitsindihanay ta? haaayyy… kasabad ah…
it’s really just a question of practicality. have you ever asked yourself why your first lines, “this is a group for pinoys right????? so why do most people here.. post using english??” are written in english?
At saka sa pag-aaral ng wika (o linguistics sa Ingles), matagal nang klaro na ang Ingles ay hindi lang isang wikang banyaga. Ito’y naging pag-aari ng mga iba’t inbang bansa na gumagamit nito gaya ng Singapore, Nigeria, Pilipinas at iba pa. Ika nga ni Gemino Abad, “English is now ours. We have colonized it too.”
wow! yan ang mga sagot! hehe. ang galing *clap* *clap* *clap*
siguro imbes na “pinoy?” eh dapat “pinoy!”.
PINOY!!!
[...] pinoy? - PinoyBlogoSphere.com - Pinoy Bloggers Society (PBS) | “Anyone* Can Blog” [...]
[...] pinoy? - PinoyBlogoSphere.com - Pinoy Bloggers Society (PBS) | “Anyone* Can Blog” [...]
[...] pinoy? - PinoyBlogoSphere.com - Pinoy Bloggers Society (PBS) | “Anyone* Can Blog” [...]
hehe, puso mo
ako, nag-iingles kasi sa personal eh lagi akong nagtatagalog…at hindi naman ako nagtratrabaho sa call center…so parang “practice” na lang kaya english sa blog etc.
yung blog ko naman english para naman maintindihan ng iba ring babasa (na hindi Pinoy)…medyo abnormal kasi yung ideas ko, hindi ata type ng majority ng Pinoy bloggers…kaya mas maraming nagbabasa na hindi Pinoy…
wag mong masamain yung pagsusulat ng iba gamit ang Ingles…walang kinalaman yun sa pagiging nationalistic…kanya-kanyang style lang yan, kung saan komportable yung tao…lalo na kung online at hindi naman limited yung readers sa isang nationality lang
aha.. wala ako maisi na ipost dito kaya yan ang post ko.. pasensya na..